ONE PEACEFUL night has come to him. Nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog nang biglang nagpakita sa kaniyang panaginip si Madison. At sa panaginip na 'yon ay parang totoong nagbalik si Madison. Anong kasabikan ang namayani sa kaniya. Pero anong pagtataka niya dahil ultimo sa panaginip ay hindi niya ito malapitan. Kahit na nakikita niya itong nakangiti sa malayo. Hanggang sa hindi niya namalayang naisigaw niya ang pangalan nito. "Madison!" Na siya ring tuluyang nagpagising ng diwa niya. Tila hingal na hingal siya nang magising at tiningnan ang kabuuan ng k'warto na kung saan ay imposibleng makikita roon si Madison. Hanggang sa tila maalimpungatan siya sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan niya si Jessica. Kaya naman nang sandaling iyon ay napaupo siya mula sa pagkakahiga. "Jessica?"

