WALANG KAMALAY-MALAY si Madison na ang kaniyang ipinapadalang pera para sana sa gamutan ng kaniyang ama ay ginagamit lamang sa sugal ng kaniyang ina. "Hanggang kailan mo po ito gagawin kay ate, ma?" Biglang naitanong ni Jayson sa ina matapos itong sunduin sa sugalan. At the age of nineteen ay hindi masikmura ni Jayson ang ginagawang kagaguhan ng kaniyang ina para sa ate niyang nagsasakrapisyong magtrabaho sa Manila, matustusan lang ang kanilang mga pangangailangan. "Hanggang sa ma-realize niya na hanggang sa uugod-ugod na kami ay hindi pa rin siya p'wedeng mag-asawa." Agad na napakamot si Jayson sa may batok. "Ma, naman, hanggang ngayon pala ay ayaw mo pa rin magkaroon ng nobyo si ate? Ayaw mo ba siyang maging masaya?" "Jayson, kapag nag-asawa na ang ate mo ay hindi niya na tayo ma

