"Mang Rolando, doble ingat lang po sa pagkabit ng yero, hah?" pagpapaalala ni Madison sa karpintero na itong gumagawa nang pinapatayo niyang mini grocery store at bigasan. Sa bandang bakuran kasi niya ipinatayo ang tindahan. May laki itong twenty eight square meters at may taas na eight feet. Doon nama'y nakangiting sumalubong sa kaniya ang ama. "Unti-unti nang natutupad ang pangarap mong makapagtayo ng sariling negosyo, anak." She smiled and gently lean her head to Mang Ben's chest. "Pa, negosyo natin 'to at kayo ang magiging katuwang ko ni mama sa pagpapatakbo nito. Pero sana, 'wag sabayan ni mama nang pagsusugal dahil doon babagsak ang negosyo." "Hay, ewan ko ba riyan sa mama mo, matagal ko nang pinagsasabihan 'yan na tigilan na ang kakasugal, dahil walang magandang maidudulot 'y

