"ANONG IBIG sabihin nito?" Pinagpalit-palitan pa sila ng tingin ni Aleng Mylene habang nag-iisip ng dahilan sa isipan kung bakit sila magkasama ng ganoong oras. "Teka, 'wag n'yong sabihing--" "No, tita, mali po ang iniisip mo. Nagpunta lang talaga ako rito just to have a closure with Madison, right, Mads?" aniya. At dahan-dahan namang napatango si Madison. Subalit sa kaibuturan ng puso niya ay tila nais niyang bawiin ang mga sinabi. Pero batid niya naman na pabor iyon para kay Madison na ngayo'y nililinaw na ang lahat tungkol sa naging relasyon nila. Sandaling napaawang ang labi ng ina ni Madison bago ito magpasyang umalis. "Kung ganoon ay nakakaistorbo yata ako, ahm, kukuha lang ako ng kape tapos saka na kayo ulit mag-usap, hah?" "Ma, ayos lang ho, ayos lang na nandito ka," wika ni Mad

