MASAYA SI Madison nang mabalitaan sa kapatid na si Jayson na tumataas na ang mga grades nito. Subalit pagkalipas lamang ng ilang araw ay saka niya lamang hindi namalayan ang naging madalang nilang pag-uusap ni Geofferson. Ni hindi niya na nga matandaan kung kailan siya huling sinundo nito sa trabaho. Na kung hindi pa dumating ang araw ng kanilang rest day ay hindi pa niya magagawang magsabi ng kaniyang tunay na nararamdaman para rito. "Ano ba talagang pinagkakaabalahan mo, Carl?" tanong niya pagkakita niya pa lamang dito sa may kusina habang kumukuha ng kape sa coffee mixer. Bahagya siyang nilingon nito. "Didn't I tell you that I'm busy on finding an evidence for Allan Corpuz?" "Nasabi na, pero.. as in halos araw-araw talaga? Ni hindi mo man lang ba naisip pakalmahin ang isip mo, hah

