DAYS HAVE been passed but the reality of how Geofferson could endure his sadness with the help of the vacation is the same situation where how fast the night changes despite of being alone. Subalit iba rin naman ang naging dating ng mga sumunod na araw para kay Madison. Dahil madalas ay hindi ito makapag-focus o di kaya naman ay nakikitang tulala sa isang tabi. Bagay na hindi maiwasang ipag-alala ni Jasmine. "Madi, uy!" Sandali siyang napalingon sa pagtawag ng kaibigan. "Bakit?" "Anong bakit ka riyan? E, kanina ka pa nakatitig sa screen ng computer mo, e, wala namang nangyayari. Akala ko nga ay pasimple ka lang nanunuod sa video site, e," mahabang sabi ni Jasmine na tila hindi niya naman binigyang pansin. "Uy!" Sumabay ang pagkalabit nito sa pagtawag muli sa kaniya. "Ah.. Jas naman,

