SA PAGTAKBO ng mga araw ay mas nagiging mahirap para kay Adelle ang magbuntis lalo na't nasa ikalawang trimester na siya nang pagbubuntis. Aaminin niyang nagtataka pa rin siya kung paano naging maayos muli ang pakikitungo sa kaniya ni Geofferson sa kabila ng lahat. Kaya naman para masagot ang katanungang iyon ay sandali niyang kinausap si Allan na umaasang bibisitahin niyang muli matapos nitong humingi ng tulong sa kaniya para sa pangpiyansa nito. "Mabuti naman at naisipan mo ulit akong dalawin," napapangising anito. "Ano ng balita sa pinapaasikaso ko sa'yo?" Sandali siyang napalihis ng tingin. "P'wede bang bigyan mo na muna ako ng sapat na panahon? Kita mong medyo mainit pa ako sa mata ni Tita Lorie nang dahil sa katangahan mo!" kalmado ngunit naiinis niyang sabi rito. "Wala akong pak

