DUMATING ang araw ng pagdedesisyon ni Geofferson at bilang suporta ni Madison ay sumama ito sa kaniya patungong Mandaluyong upang harapin ang pamilya Fuentez para sa kanilang ibibigay na tulong. "Tao po," aniya. Bagama't natural na ang tahulan ng mga aso kapag hindi pamilyar sa kanila ang tao. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at doo'y mainit silang tinanggap ng ina ni Adelle na si Aleng Aliyah. May edad na pero kita pa rin ang angking ganda na minana rito ni Adelle. "Ay, salamat at nagpunta kayo. Ilang araw din kayong inaasahan ni Adelle na pupunta rito." "Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ni Madison. "Oo, hija, pero teka, ikaw pala si Madison, maganda ka nga pala talaga." "Ahm, salamat po," tila naiilang na sagot ni Madison. "O siya, pumasok na kayo." Sumunod nama

