"Loko ka talaga. Pero sige, salamat ulit, ah?" Tuluyan na itong tumalikod pagkasabi niya no'n. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang tawagin ko muli ang pangalan niya. "Jessica!" Napatigil ito sa paglalakad at saka humarap sa akin. "Bakit?" tanong niya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya para tanungin ang mga bumabagabag sa isipan ko kanina. "Narinig mo ba ang usapan namin ni Jeff?" tanong ko sa kaniya. Sandali pa itong natigilan bago muling sumagot sa akin. "O-oo, s-sorry hindi k-ko sinasadya s-sir," nauutal na sabi nito habang nakatingin sa akin. "Ayos lang. Pero puwede ba na sa atin lang ang mga narinig mo?" Mahinahon kong tanong sa kaniya. "Sige. Makakaasa ka. Pero bakit ka nga pala nagpanggap bilang ibang tao?" tanong niya. "Mamaya ko sasabihin pagkatapos ko rito," sabi ko

