Makalipas ang ilang araw at maayos na ang lahat kina Mildred at Jefferson. Sobra-sobra ang pasasalamat nila sa akin gayundin ako sa kanila. Masaya ako at masaya na ang dalawa kong kaibigan. Ngayon ay nasa kuwarto ako. Nag-iimpake para sundin naman ang puso ko. Para ayusin din ang buhay ko. "Mami-miss ka namin," sabi ni Ava na naiiyak na pati na rin si Mildred. Napagpasyahan nina Ava at Daxon na mag-stay muna rito sa resthouse ni Mildred. Gayundin ang dalawa. Napaka-peaceful kasi ng lugar na ito at saka malayo sa gulo. Hindi ko naman sinasabi na magiging perfect ang lahat kapag nandito. Ang sa akin lang ay ang sarap manirahan sa ganitong lugar kasama ang taong minamahal mo. "Ingat ka," sabay na sabi ng dalawang lalaki. "Oo na. Puwede na ba akong umalis?" Pagsusungit ko na ikinatawa nila
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


