"Pinaalam na kita kay, Ezy. Let's go," sabi ni Ava nang makita niya ako sa desk ko. "Okay, tapusin ko lang 'to," sagot ko habang nag-aayos ng mga gamit. Nang matapos ako ay sumunod na ako sa kaniya sa paglalakad at napunta kami sa parking lot. "Bakit hindi mo nga pala sinabi sa akin kahapon?" Biglang tanong sa akin ni Ava nang humarap ito sa akin habang nakapamaywang. "Ano alin?" tanong ko kaya um-irap ito sa akin. "Tungkol sa 'yo at kay Ezy. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na nagtratrabaho ka pala sa kaniya?" "Eh, hindi ka naman nagtanong." "Kasi wala ka namang nabanggit." "Ngayon lang natin nalaman kaya tama na, okay?" pagsuko ko sa kaniya. Mabuti na lamang at hindi na ito nagpumilit pa pero mayamaya lang ay nagsalita na naman ito. "Ibig sabihin ikaw ang may dala ng kotse n

