Chapter 2

1268 Words
Naglakad ang dalaga papunta sa teritoryo nila, at habang siya ay naglalakad ay tinanggal na niya ang suot niyang sunglasses. "Handsome as ever, Lieutenant," ngising saad ng dalaga. Nasa isang malawak na kagubatan siya ngayon at naglalakad patungo sa hiding out nila nang ma late siya sa kanilang meeting. Siya si Secillia Triad, isa sa Elite Force ng Dark Phantom. Siya ang pinaka malakas na miyembro ng Dark Phantom, kasunod ng kanang kamay ng kanilang Mafia Boss. Siya ay naglalakad papasok sa kanilang hideout at binuksan ito agad. Tumumbad sa kanya ang mga iba pang miyembro ng Elite Force kasama ang kanilang Mafia Boss at ang kanang kamay nito. "Late again, Lia?" tanong ni Aurus, ang kanang kamay ng kanilang Mafia Boss. Tumawa lamang ang dalaga at dahan dahang naglakad palapit sa kanya. "Sorry I guess? May mga langaw lang kasi na nagpupumilit na dumapo sa balat ko, anyway, nag start na ba ang meeting?" tanong niya at saka umupo sa bakanteng upuan. Napabuntong hininga na lamang si Aurus at sinimulan na ang meeting nila. Si Lia ay nanatili lamang naka upo habang naka tingin sa kawalan. Bigla namang pumantig ang tenga niya nang marinig niya ang nickname ng isang kilalang Mafia Leader kung saan kahit mga miyembro nito ay hindi kilala ang kanyang mukha. Ni pangalan ay hindi niya sinabi ngunit binigyan nila ito ng pangalang 'Peligro' sapagkat sa bawat yapak palang niya ay mararamdaman mo na ang bigat at amoy na kayang pumatay ng tao na walang pag aalinlangan. Nais ng dalaga na malaman ang lahat ng impormasyon ukol kay Peligro pero kahit ilang taon pa siyang maghanap ay kahit kulay man lang ng mata niya ay hindi niya alam. Matapos ang ilang oras ay natapos ang meeting nila, walang alam si Lia tungkol sa pinag-usapan at agad itong umalis. "Hoy, Lia," sambit ng babae dahilan para mapalingon siya sa gawi niya. Naka crossed arms itong nakatitig sa kanya, tinaasan niya lamang ng kilay at tumawa naman bigla ang babae. "Kung wala kang sasabihin manahimik ka," sambit niya at akma na sanang aalis nang tinawag siya ng kanilang Mafia Boss na si Klint, katabi si Aurus. "Lia, may misyon akong ibibigay sa iyo. I just know recently na hinahunting mo si Peligro, hindi ba?" Bigla namang nagtaka si Lia pero dahil sa kanyang narinig ay nakaramdam ng excitement ang puso ni Lia. "Do your best to find his information, as fast as you can. Kahit maliit na impormasyon niya lamang ay ayos na but I know you, Lia. Magaling sa pag t-track at paghahanap ng impormasyon ng mga tao. I'll give you money and assistance if you want," dagdag ni Klint. "Boss, ilang taon ko nang hinahanap ang impormasyon ni Peligro ngunit maski kulay ng mata niya ay hindi ko alam. Ngunit, hindi ito ang magiging dahilan para sumuko. Siya lang ang taong binigyan ako ng hirap sa paghahanap, so, you can count me in," ngiting saad ni Lia dahilan para mapangiti rin si Klint. "Alright, I trust you Lia. Nakapatay na siya ng ilang miyembro natin, kailangan natin silang bigyan ng hustisya. Mahigpit si Peligro sa kanyang impormasyon kaya panigurado napaka halaga nito sa kanya at ito maaari ang magiging dahilan ng kanyang pagbagsak," sambit niyang muli. He then tap Lia's shoulder as he walk passed her. "Do your best shot, Lia," dagdag niya pa. . Pagkarating ni Lia sa kanyang Condo ay agad na siyang pumunta sa kanyang computer at nag research. Umabot siya ng ilang oras sa pag reresearch hanggang sa may nahagilap siyang article tungkol sa isang sugatang bata na nakita lamang sa kakahuyan at inampon ng matanda. Tinititigan niya ang mga mata nito at para bang may nagsasabi sa kanya na mayroong malaking porsyento na baka siya si Peligro. Sinearch niyang muli ang pangalan ng bata at nakahanap pa siya ng iba pang mga impormasyon, ang bata ay naging isang magaling na detective at isang magaling na sundalo. Marami na rin siyang na solve na cases at mga napalunan na mga gera. "Teka, si gwapong Lieutenant ito ah. Siya na naman, wala na ba talagang paraan para mapahiwalay ako sa lalaking ito? Siya na ang subject sa last mission ko, ngayon mukhang siya na naman," sambit ni Lia at nagbasa pa paibaba sa articles tungkol kay Noah. "Noah Schnyder, hmm?" sambit niyang muli habang nakatitig sa mga mata ni Noah sa picture sa article. Nag observe pa siya sa litrato hanggang sa may makita siyang something na naging related kay Peligro. "Azure logo ang hawak ni Lieutenant nung bata pa siya. I guess, ito na nga ata ang hinahanap ko." . Umaga na at nagsimula nang mag ayos si Lia. Nag disguise siya bilang isang babaeng nerd at nagsuot ng salamin. Itinali niya rin ang kanyang buhok na naka pony tail at nagsuot ng simpleng damit. Bago pa man siya maka alis ay nahanap na niya ang lokasyon ng bahay ni Noah at agad na tumungo roon ng alas kwatro ng umaga. Umabot na ng alas singko ay umalis na si Noah sa kanyang bahay at nagsimula nang mag jogging. Agad na sinundan ni Lia si Noah ngunit mukhang nahahalata na niya na mayroong sumusunod sa kanya. "Magaling kang makiramdam ha? Kung ikaw man si Peligro aba, ang gwapo nga naman," sambit ni Lia habang nakangising tumingin kay Noah. Matapos ang ilang minuto ay biglang huminto si Noah sa kanyang pag j-jogging na siyang pinagtataka niya. Agad itong lumingon sa kanya kaya agad nagtago si Lia sa hindi siya makita. Makalipas muli ang ilang mimuto ay nagsimula nang mag jogging muli si Noah, tumambay muna ito sa isang kainan para magbahagi ng pagkain sa mga batang nasa lansangan at agad na nag jogging muli. Nang matapos itong magbahagi ng pagkain ay napansin ni Lia na parang tina try ni Noah na iligaw siya ngunit hindi niya magawa kung kaya't napaisip si Noah na baka may alam si Lia tungkol sa kanya kaya mas lalo siyang naging alerto. Agad na tumakbo ng mabilis si Noah at lumiko sa kahit saang daanan dahilan para magka ligaw ligaw si Lia. "Lah? Ang bilis naman niya tumakbo!? Hindi ko na agad nakita kung saan siya lumiko," inis na sambit ni Lia at inilibot ang tingin nito sa paligid habang naglalakad nang bigla niyang narinig ang isang taong naglalakad palapit sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang lumingon at nanlaki ang mga mata nitong makita ang pagmumukha ni Noah. Malamig ang mga titig nito at halatang galit na galit na nakatingin sa kanya. "H-hi," tanging sambit ni Lia at umacting na parang nahihiya. "Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ni Noah sa kanya. Agad na napaisip si Lia sa kung anong magandang rason para sabihin kay Noah hanggang sa bigla na lamang niyang naisip ang isang nakakalokong excuse. "Ano kasi, sir...uhm...crush kita at ito lang ang panahon ko para makita't ma stalk ka!" confident na sabi ni Lia. Agad namang pinatong ni Noah ang kanyang kamay sa ulo ni Lia at nagsalita. "Hindi ako pumapatol sa pandak, umuwi ka na at huwag mo na akong sundan pa baka gawin lang kitang lumpia at i wrap sa malaking wrapper," saad ni Noah dahilan para mairita si Lia ngunit kailangan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Masama lamang ang titig nito kay Noah habang ang kanyang palad ay nananatiling nakapatong sa kanyang ulo. 'Pandak? Sinong pandak? Maliit ako pero magaling akong makipag sapakan. Ako ang tinatawag na smol but teribol, pandak ka diyan e kung sipain ko 'yang bétlog mo, bastos kang lalaki ka!' inis na sigaw ni Lia sa kanyang isipan habang masama pa rin ang titig nito kay Noah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD