CHAPTER 24 2:45 PM lulan na si Liam ng eroplano papunta ng Tuguegarao. May kung ano siyang nararamdamang kakaiba. Sana maabutan pa niya doon si Boknoy. Sana nga hindi siya nagkakamali sa ginagawa niyang ito ngayon. Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep kasama ng dalawa niyang bagong PSG. Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Borj sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Borj na panakip butas lang siya dahil noon pa man, may espesyal nang bahagi si Borj sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Justine nang panahong iniligtas siya nito sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula

