HER POV Naggising siya dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura.Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay natunghayan niya ang malamlam na paligid ng silid na hindi pamilyar sa kanya.Kinusot- kusot niya muna ang kanyang mga mata at inalala ang mga kaganapan sa nagdaan. Agad siyang bumangon ng makapa niya ang matigas at mainit-init na bagay sa kanyang tabi.Napatili na lang siya ng mapag- alaman kung ano iyon. Ang herodes niyang kuya-kuyahan topless na nakatabi niya pala sa pagtulog. Kahit nightlamp lang ang nagsisilbing ilaw sa silid ay kitang- kita at malinaw na malinaw sa kanya ang malapandesal nitong six pack abs. Kaya pala para siyang henehele sa pagtulog dahil ang sarap sarap pala ng mainit na pandesal na nakahain sa kanya. Naghihinayang siya kung bakit hindi man lang siya naggising kagabi

