FF2- PANIRA NG MOMENT

1334 Words
HER POV Ilang bote na rin ng alak ang naubos niya.Kampanti rin siyang magpakalunod ng alak dahil kasama niya ang mga kaibigan at nasa isang private room sila dito sa bar.Walang estorbo sa kanilang pagsasaya at pagwawalwal. "Whoah... whoah.. party....party," malakas niyang sabi habang humahataw sa dance floor. Sampu lang sila sa loob ng silid. Tawag nga sa kanilang magbabarkada ay Magic Ten dahil hindi sila mapaghihiwalay.Kung nasaan ang isa ay nandoon din ang lahat. Pack one, pack all kumbaga. Pawang pareho lang sila ng mga ugali.Mga matitigas ang ulo, palaban, at mahilig magbar hopping.Bagama't sutil at pasaway ay may mga pangarap din sila sa buhay.Hangad lang nila ang maging masaya at maunawaan ng mahal nila sa buhayKabilang sa magic ten na mga barkada niya ay si Serenity, Integrity, Honesty, Modesty, Brevity, Charity, Nativity, Positivity, Congeniality at siya si Felicity. Bawat pangalan nila ay mabubuting kaugalian.Ngunit salungat ito sa totoo nilang karakter dahil unang tingin sa kanila ay masasabing hindi mabuti ang ugali nila. Napagkakamalan kasi silang laki sa layaw, mga snob girls, mabisyo at pagpapaganda lang ang alam sa buhay. Wala ngang mga kalalakihan na nakakalapit sa kanila dahil agad naman nilang binabara at kinagagalitan. Lahat sila ay walang mga kasintahan at iyon ang panata nila sa isa't isa na wala munang boyfriend hangga't hindi pa sila nakakapagtapos sa pag-aaral.Oo nga't mabisyo silang magbabarkada pero matino naman sila sa kanilang pag-aaral. Pasosyal ang tingin sa kanila ng mga tao dahil hindi naman sila nahuhuli sa trend at new fashion.Lahat silang magkakaibigan ay nabibilang sa mayayamang pamilya.Kaya' t hindi problema sa kanila ang makipagsabayan sa ano mang uso sa damit man o mamahaling restaurants at bar ay agad nilang napupuntahang magbabarkada. Mabigat na ang kanyang talukap sa sobrang alak na nainum.Mabuti na lang ay malakas ang alcohol tolerance niya.Sa dalawang taon niya na pagiinum ng alak ay nakasanayan niya na ang lasa nito na parang juice na lang ang lasa sa kanyang bibig. "Jezzzz girls let's go downstairs, doon tayo sa baba ang daming gwapong boys, we can catch some nice one there, wanna bet?ngayon lang naman, girls!" anyaya pa sa kanila ni Serenity na ang mas malandi sa kanilang sampu. "No... no... no.. girls, huwag, delikado at isa pa iwas tayo sa mga temptations gals, mahirap na baka mapahamak tayo, mas mabuti dito dahil safe tayo kahit masobrahan tayo ng inum," rinig niyang sabi ni Modesty na ang konserbatibo sa kanilang magbabarkada. "Ano ba iyan, ang boring naman dito! girls just this once at pabirthday gift na rin natin kay Felicity, baka dito niya mahanap ang true love niya," muling sabi ni Serenity. "Tskkkk..ikaw talaga Serene puro landi ang iniisip mo, huwag ninyo na lang tuksuhin si Feliz may nagmamay-ari na iyang puso niya," sabat naman ni Honesty na walang reserba kung magsalita. "Don't talk about it, hon, I move on from him nah so girls let's move out and rock the dance floor downstair," hiyaw niya na mukhang tipsy na ngunit pilit pa ring pinatatag ang sarili at nauna ng naglakad palabas ng pinto. "Yohoo! party party!" sigawan nilang magbabarkada sa gitna ng dance floor na sumunod na rin sa kanya. Siya kasi ang nagsisilbing lider ng grupo dahil siya ang bumuo ng kanilang samahan.Madalas din siya ang nagiging tulay sa mga tampuhan ng magbabarkada. Halos dalawang taon na rin ang samahan nila ng una niyang binuo noong nasa unang taon sila sa kolehiyo. Pinagtagpo at tinadhana silang magkakilala bagama't iba- iba ang kursong kinukuha ay namalayan na lang nila ang kanilang mga sarili na nagkakamabutihan sa isa't isa. Marahil ay pareho sila na pinagdadaanan sa kanya kanyang mga pamilya. In short, they came from a problematic family or hindi kaya sila ang tinaguariang blackship sa pamilya. They find comfort in each other's presence na turingan nila sa isa't isa ay more than friends but a real family already.Aside from that, they both protect each others well being, peace and happiness. "Whoah, I feel like as free as like a bird, jezzz..., ang sarap maging malaya girls...wooooo..!" hiyaw ni Integrity habang humahataw sa sarili nitong dance moves. Si Integrity ang kabarkada niyang free-spirited gusto lang ang magsaya at walang pakialam sa mundo. Bagama't kapwa lawyers ang mga magulang nito ay Tourism naman ang kinuha nitong kurso dahil gusto daw nitong maging flight stewardess in the future. "Sinabe... oh my gosh!may gwapo girls, looks so yummy, shhhh... lalapitan ko ha? may paglalaruan naman ako tonight," maarteng sabi ni Serenity na pinuntahan na ang gwapong lalake sa bar counter. Napailing-iling na lang siya sa inasta ni Serenity. Hanggang landi lang naman ang alam nito ngunit hindi pa naman ito bumibigay sa sinumang lalake. Ang tawag nga sa mga kalalakihan dito ay heart breaker. Mapaglaro sa mga kalalakihan dahil una una itong nagpapakita ng interes sa lalake.Kapag naramdaman na nitong nahuhumaling na sa kanya ang lalake ay basta basta na lang nito iniiwan.Aywan niya ba sa kaibigan kung bakit mapanakit sa lalake. Dahan-dahan ng napupuno ang dance floor kung kaya't siksikan na ang mga tao.Nagkakabanggaan na nga ang mga katawan nilang magbabarkada ngunit wala silang pakialam. Gusto niya lang magpakasaya sa kanyang kaarawan at mawala ang hinanakit niya sa taong inaasahan niyang darating at magpaparamdam sa kanya dahil naalala niya noon na sinabi pa sa kanya ni Franz na ito ang magiging konsorte niya kapag magdedebu na siya. Ito ang malaking dahilan kung bakit mas pinili niya ang magparty sa bar sa kanyang kaarawan kaysa may 18th debu party dahil walang Franz ang nagpakita sa kanya sa nakalipas na mga taon. Kahit noong nakaraang buwan ay nagsuhesiyon na ang kanyang daddy na magcotelion party sa kanyang kaarawan ngunit tumanggi siya. Bukod sa walang Franz na magiging escort niya ay hindi niya feel magcelebrate na malungkot ang puso niya.Buti pang kasama ang kanyang mga barkada dahil mas nabibigyang kahulugan ang kanyang pagkatao.She felt the urge to take charge of her friends' welfare. Pakiramdam niya nagiging makahukugan ang araw na ginawa ng Diyos para sa kanya upang pagbuklurin ang mga kaibigan na hindi mawala sa matuwid na landas.Oo nga't kulang ang buhay niya ng nawala si Franz ngunit napunan naman ng kanyang mga kaibigan.Being with them gave her a sense of belongingness and comfort. Ganoon na lang ang pagtataka niya ng tila may humihipo sa kanyang pang-upo habang sumasayaw siya.Nilingon niya ang kanyang likod only to find out a pair of beautiful gray eyes of a guy brightly smiling at her. Imbes na magalit ay tila nangungusap din ang kanyang mga mata na tumugon sa ngiti nito.Marahil sa impluwensiya ng alak ay naggawa niyang eentertain ang pagpapakilala sa kanya ng lalake.Tinanggap niya ang malambot na kamay nito para sa pakikipaghand-shake. The next thing she knew ay kapwa na silang naghaharutan sa indak ng musika sa dance floor.Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan na umiindayog at sumasayaw. Unti-unti na rin siyang nakaramdam ng bahagyang nakakaliyong sensasyon habang ang kamay ng lalakeng humahaplos at humahagod sa kanyang likod.This is her first time to be so close with a man she hardly knew well. Nagpadaosdos pa ang kamay ng mapangahas na lalake sa kanyang balakang, making circling motion in her spine na nakakapanindig balahibo at naghatid sa kanya ng nakakawindang na sensasyon. Nang tangkain na ng lalake na hipuan siya sa kanyang pang-upo ay naramdaman niya na lang na bumulagta ang katawan nito sa sahig na nakapagtuliro sa kanya na agad niya namang nilingon kung sino ang may gawa nito. "Get off your hands with what's my property, you bastard!" rinig niyang dumadagondong at umalingawngaw na boses ng lalake kahit pa napakalakas ng tugtog ng musika sa loob ng bar. Pilit niyang kinikilala ang lalakeng nakatayo na sa harapan niya.Hindi niya medyo maaninag ang mukha nito dahil lumamlam na bigla ang disco lights at natatakpan ang mukha nito ng suot nitong sumbrero. Napalingon siya muli sa lalakeng nakahandusay na sa sahig.Wala man lang tumulong dito upang makatayo.Tangka pa sana niyang hilahin ang kamay nito patayo ngunit nauna na siyang marahas na tinangay pakaladkad ng pakialamerong estranghero palabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD