HER POV "What the heck!" biglang pag-alburoto at pag-angal niya sa malahudyong pag-utos nito sa kanya na akala niya'y nakaligtas na siya sa pagiging muchacha nito. "Busog ka na? Ano pa inaangal-angal mo diyan, mabuti nga nilutuan kita ng makakain mo," susog naman sa kanya ni Franz. "Akala ko ba hindi muna ako aalilain, tingnan mo hindi pa nga magaling ang hiwa ko sa daliri," pagmamaktol niya sabay lahad ng kanyang daliri na may bandahe pa. "Magaling na iyan at malayo yan sa peligro!" walang gatol nitong sabi. "Ganern, hindi ka naman ang nasugatan bakit alam mo ba ang nararamdaman ko!" ganti niya rin. "Stop it, whatever you say doesn't matter anymore! do what I say, move now, maglinis ka na at may marurumi akong damit doon labhan mo!" mando pa nito bago tumayo at tumalikod sa kanya.

