Tumayo si Blake at mabilis hinubad ang suot ko na cotton maxi dress. Tanging panloob na lang na bra at panty ang natitira ko na saplot. “Bu—.” “Yes! Four months.” Putol ko sa itatanong pa lang ng aking asawa. Sa ibang pagkakataon baka matawa ako sa itsura nito. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit mabilis umagos ang likido mula sa kanyang mata at puno ng emosyon ang kanyang mukha ng titigan ko. “Shhhhh. Magsisimula tayo ulit, wag mo na isipin pa ang ibang bagay. Magiging okay din ang lahat.” Sabi ko sa aking asawa na mabilis akong binuhat at maingat na inihiga sa ibabaw ng malambot na kama. Hinawakan niya ang aking paa at mula sa aking mga daliri ay pinadaanan niya ng halik. Pataas hanggang huminto sa ibabaw ng aking hita. Pinaghiwalay niya ang mga ito at saka pumwesto sa pagitan

