Love (POV) Nakatulala ako na umuwi sa bahay. Nang itanong sa akin ni Blake kung kasali si Ate Heart, doon lang nag sink in sa utak ko na. “Oo, nga pala hindi pala kami. Hindi pala ako ang gusto niya noon pa.” Tapos nauna pa niyang sabihin na wala kaming relasyon, pareho namin ginusto ang nangyari. Hinawakan ko ang aking dib-dib, para bang sinaksak ng maliliit na karayom. Ang sakit, ngayon lang ako nagkagusto sa lalaki ang saklap dahil ate ko pa ang gusto at hindi ako. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko ng si Blake s’ya. Noon pa, bata pa lang kami kahit ipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang ngiti niya at ang kanyang nangungusap na mga mata. Hindi ko kinalimutan ang kanyang itsura, na kahit ilang taon ang lumipas, sigurado na makikilala ko pa rin siya. “Aalis na ako! Love, s

