“Saan tayo ate pupunta?.” Tanong ko kay ate Heart na nag-iimpake na ng damit namin. Ngumiti ito sa akin at tumabi sa kinauupuan ko na sofa. Isang Linggo na ang nakakalipas magmula ng magising. Nagpaalam naman si ate kay tatay na isasama na lang ako total ay hindi naman ako naalagaan dito ni tatay. “Sa bahay, sasama ka na sa akin.” Nagulat ako sa sinabi ni ate at the same time natakot ako. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya. “Sa bahay ka na titira, magkakasama na tayong tatlong ni Blake.” Tinitigan ko lang si ate Heart dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako na gusto makita ang reaksyon ko, dahil sa lang, naguguluhan ako. Pero sana totoo talaga ang kanyang sinasabi. “S—Seryoso ka ba ate?.” Tanong ko pa ulit sa aking kapatid

