Chale's POV Napasimangot ako habang nakapila kami para kumuha ng pagkain sa cafeteria ng companya. Nagtataka man ay wala naman akong narinig mula sa mga empleyado maliban lang sa halos lahat ng mga mata ay nasa amin ni Bree. "Ma'am mauna na po kayo." Sabi ng isang lalaking empleyado. "No, kayo yung nauna. We'll wait for our turn, thank you." Napasimangot ako lalo. Sabi ko na nga ba eh. "Stop pouting." Ngisi niya nang humarap saakin. Anim na tao pa ata ang nakapila bago kami, nasa likod naman namin si Florence. "I already told you to eat outside pero gusto mo dito, pumipila pa tuloy tayo." Sabi ko naman bago sumimangot. "It's okay, para naman makasabay mo mga employees mo." Aniya ba bago ako tapikin sa pisnge. "I hate this." Muli kong simangot habang nakatingin sa kanya. Napangiti

