Breeanna's POV "Wag ka ngang sumimangot. You look ugly." Sabi ko ng inihahatid si Chale pasakay ng kotse niya. "I don't want to go, wife." Aniya bago nakangusong humarap saakin. "You have too. Sige na, they're waiting for you." Sabi ko bago buksan ang pinto ng drivers seat para sa kanya. "Why don't you go with me instead?" Aniya bago ako hapitin sa bewang. "Nope. Wala naman akong gagawin dun." Sabi ko naman. "Please? Kahit sa office ka lang." Pakiusap niya pa. "No. Now go, I'll wait for you to come home. Okay?" Lalo lang atang sumimangot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Fine." Parang batang inagawan ng candy siyang humalik saakin bago padabog na pumasok ng kotse. Mahina naman akong natawa. "Drive safely, wifezilla." Natatawa kong sabi bago nakasimangot niyang imaneubra ang sasa

