Breeanna's POV Tinapik ko ang kamay ni Chale ng akmang hahawakan na naman niya ako. Di ba siya napapagod? Alas dos ata ng makauwi kami at hindi na niya ako pinalabas ng kwarto. "Ano ba Chale!" Tulak ko sa kanya bago ibalot ang kumot sa hubad kong katawan. "Sabay na tayong maligo." Aniya pa na ikinaikot ko ng mga mata. "No. Go downstairs and tell manang Tess to cook something, I'm starving." Utos ko sa kanya bago pumasok ng bathroom at ilock ang pinto. Mahirap na. Hindi na din ako gaanong nagtagal sa banyo dahil talagang nagugutom na ako. Pagkababa ko ay naabutan ko pang may kausap sa cellphone si Chale pero ng makita ako ay agad naman niya iyong ibinaba. "Who was that?" Tanong ko sa kanya. "Secretary. Ready na yung food, let's eat?" Aniya na agad ko namang tinangoan. Sabay na k

