Breeanna's POV 1 week. 1 week ko ng hindi nakikita si Chale at Chelsea. Isang linggo na din akong nakakulong sa kwarto ko. Magmula ng dumating kami sa bahay dito sa probinsiya nina mommy ay dumeretso na ako sa kwarto ko at hindi na lumabas. Ilang baldeng luha naba ang nailuha ko? Hindi ko na mabilang. I miss my wife and my daughter so much. Hindi ko na din alam kung ilang beses na akong nagmakaawa sa daddy ko para lang hayaan niya akong bumalik sa asawa't-anak ko pero para lang akong nakikiusap sa isang walang buhay na bato. Agad ang pagpunas ko ng luha ng pumasok ng kwarto ko si mommy. Puno ng simpatya ang mga mata niya ng tumabi saakin at ilapag sa bedside table ang dala niyang pagkain. "You should eat, Bree. Kapapanganak mo palang baka anong mangyari sayo." Malungkot na saad na mommy

