Breeanna's POV "Ano bang ginagawa mo, Bree? Dapat natutulog kana." Kastigo ko sa sarili habang panay ang tingin sa digital clock na nasa bedside table. Alas-dyes na ng gabe at wala parin si Chale. Pilit ko mang ikaila sa sarili ko pero nag-aalala ako para sa kanya. Agad akong napabangon at napasilip sa bintana ng kwarto ng marinig ko ang tunog ng sasakyan niya pero napakunot pa ang noo ko ng bumukas ang passenger side ng kotse niya at lumabas roon ang isang magandang babae bago bumaba si Chale. Nag-uusap at nagtatawanan pa ang dalawa ng pumasok ng kabahayan. Para namang sinasakal ang puso ko na napakagat-labi. "Ang kapal ng mukha mo. Nagdala ka pa talaga ng babae dito sa bahay." Naikuyom ko ang kamao. Agad pa akong napalingon ng bumukas ang pinto at iluwa nun si Chale. Muka pa itong

