Sabay na silang kumain na magkaibigan nang matapos mag-shower ni Claude at dumating din ang kanilang in-order. Naka-on ang cable TV na nakapatong sa TV wall holder at nakaharap sa malaking kamang may puting kubre-kama. Nakapuwesto roon ang dalaga nang nakasandal at nanonood ng palabas. “Usog ka nga roon, hippo,” aniya sa dalaga. Binigyan siya nito ng isang irap bago umusog sa kaliwang banda at tumabi na siya. Habang kumakain ay nanonood na sila ng action movie na may romance. Hindi naman doon ang atensyon niya dahil palagi siyang nakatingin sa babae habang kumakain. “Pakipasa ng juice, meow. Nauuhaw ako.” Kinuha na niya ang pinggan nito na wala nang laman dahil naubos na nito saka inilagay iyon sa may ibabaw ng tray at ipinasa ang baso ng malamig na mango juice. Uminom na rin siya ng s

