Nagpasama si Feliz kay Darcelle sa mall para bumili ng regalo para sa boyfriend nito na sa weekend ang kaarawan. Sabi ng bakla ay bibili na rin ito ng gift para sa kapatid niyang mag-bi-birthday naman sa susunod na linggo. Hindi naman kasi ito sigurado na makakapunta dahil baka may loving-loving sa boyfriend nito pero titingnan pa lang daw ni Feliz kung kaya ay maghahanda na ito ng regalo para kay Danette. Pagkabili ng sapatos na sobrang mahal para sa boyfriend ng kaibigang bading ay inaya na siyang magpunta sila sa isang boutique naman para sa mga babae para bumili ng regalo para sa kapatid niya. Bigla siyang natigilan nang makita roon sa loob si Sam na kasama ang lalaking nakita na niya noon sa Italian restaurant nang minsang may dinner date sila ni Raven. Dahil salamin lang ang dingdi

