Napatingin si Claude sa kanyang cell phone. Titig na titig lang naman siya sa larawan ni Darcelle na naka-two-piece swimsuit. Nakangiti ito nang napakaganda at para itong modelo na nakatingin sa camera—sa kanya. Nag-bo-browse din siya sa mga ipinadala nitong pictures na iba’t iba ang suot. Iyon ang gabi ng date nito at ni Raven sa concert at napapangiti siya dahil lahat ng suot nito ay litaw na litaw ang alindog at kagandahan nito. Pagkatapos ay saka naman siya bumalik sa photo gallery para balikan na naman ang naka-swimsuit na dalaga. “Bakit? Bakit hindi tayo puwede?” mahinang usal niya sa hangin. Dumapa siya sa sofa ng kaibigan na kinahihigaan niya ngayon. Darcelle was just a few steps away from him, inside her room. But it was like she was too far away from his reach. He could never r

