Kim POV Nandito na ako ngayon sa kwarto ni lolo at ayaw niyang kumain. Hindi ko akalain na ganito kahirap to. Pero kakayanin ko para lang sa lolo ko. "Sige na po kumain na po kayo." Nakatingin lang siya sa kawalan at para bang wala siyang balak na pansinin ako. May naisip akong paraan at sana gumana. "Sige po kakantahan ko na lang po kayo pero kakain po kayo ha." Nakangiti kong sabi kay lolo. "Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found it's missing piece." Unang linya pa lang ng kanta ko ay napalingon siya sa akin. Napangiti naman ako dahil mukhang gumagana naman. "So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now til my very last

