Chase POV "Pag ako di nakapagtimpi masasapak ko na yang si Keith." Sabi ko saka tinungga ang iniinom kong tequilla. "Intindihin na lang muna natin si Keith. Alam naman nating lahat na may sakit yung tao." Sabi naman ni Cyril habang nagbabasa ng libro. Kita mo nga namang taong to. Nasa bar tapos ang ginagawa nagbabasa ng libro. "Saka gusto mo bang magalit si Kim sayo?" Napaisip ako sa sinabi ni Charles. Sabagay may point siya. "Pero wala pa din akong tiwala sa Chloe na yan. Pagkatapos niyang iwan si Keith noon." Sabi ko saka ko natanaw si Jane. "Nagpaliwanag naman na din si Chloe sa atin. Pati na din kay Keith." Sagot ni Cyril. Tinungga ko muna ulit ang isang baso na may laman na tequilla bago tumayo sa kinauupuan ko. "Uy saan ka nanaman pupunta?" Tanong ni Ken. "Edi saan pa edi du

