Someone POV "Delikado ang gagawin mo!" Sabi niya sa akin. "Naka plano na ang lahat ngayon pa ba ako uurong?" Pairap kong sabi sa kanya. Kahit siya hindi niya magagawa na pigilan ako. Buo na ang loob ko. Saka kailangan kong alisin ang mga balakid sa mga plano ko. Kahit siya pa. Wala akong pakialam kung sino ang babanggain ko basta makuha ko lang ang gusto ko. "Babe please? Natatakot lang naman ako na mapahamak ka eh." Sabi niya saka niya ako niyakap. "Hindi ako gumagawa ng plano na alam kong mapapahamak ako. Promise mag iingat ako okay? Para sayo , sa ating dalawa tong ginagawa ko." Sabi ko sa kanya sabay haplos sa mukha niya. "Itigil na natin to." Seryosong sabi niya sa akin. "Napagkasunduan na natin to diba at pumayag ka? Saka ang laki din ng atraso nila sayo. Dapat silang magbayad

