Kim POV "Papa , mama , kuya." Sigaw ko mula sa yateng sinasakyan naming dalawa ni Eros. Nakita ko kasi na nasa dalampasigan sila at pasakay sila ng motor boat. Kumpleto ang mga kuya ko pati na din si Tyron at tito Arman. Kitang kita ko ang kasiyahan nilang lahat nung makita nila ako. Dahil sa excitement ay dali dali sana akong baba ng yate pero pinigilan ako ni Eros na ikinalingon ko tapos nakita ko na umiiling siya. "Hindi ka pwedeng tumakbo at hindi rin pwedeng mabasa ang mga paa mo. Gusto mo bang mabinat?" Sabi niya sa akin tapos pumunta si Eros sa harap ko tapos nag squat siya na parang nakaupo sa akin na patalikod na ikinagulat ko. "Tara na hinihintay ka na nila." Nakangiti niyang sabi sa akin habang nakalingon. "E-Eros." Nahihiyang sabi ko. "Ngayon ka pa nahiya sa bestfriend mo

