Keith POV Pumunta ako sa kalapit na isla gamit ang bangkang de motor na may katig at nagtanong tanong ako sa mga tao dun kung may natagpuan ba silang babae. Pinakita ko pa sa kanila ang picture ni Kim. Pero wala silang nakita. Ilang isla na din ang napuntahan ko pero ganun din ang sagot nila sa akin. Hanggang sa naubos na ang gasolina. Medyo may kalayuan na din ito sa Happy Island. At mas lalong tumindi ang sakit ng ulo ko at pagkahilo. "Tsk! Bakit ko nakalimutang magdala ng gasolina?" Wala akong choice kundi gamitin ang sagwan na nakita ko sa bangka. Dahil hindi makagalaw ng maayos ang braso ko nahirapan at nasasaktan ako sa tuwing pinipilit kong magsagwan. Malakas ang hangin pero ramdam ko ang pag init ng katawan ko at ng mata ko. Pero hindi ako sumuko. Bumalik ako kung saan tumigil a

