Kim POV Dalawang linggo na mula nung ilibing si lolo. Nagulat na lang ako nung sinundo ako dito sa hospital ni Chase kasama yung totoo kong mama at papa. Sabi nila na napalapit na din naman ako kay lolo kaya pwede akong dumalo sa pribadong libing ni lolo. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanilang lahat. Lagi ako nun nakadikit sa totoo kong mama para hindi ako malapitan ni Keith. Pagkatapos ng libing hinintay ko na umalis silang lahat at ako naman ay nanatili sa puntod ni lolo. Ayoko munang umalis. Kahit dito man lang makasama ko siya kahit konting saglit pa. Kung hindi pa umulan , hindi pa ako uuwi. "Mag usap tayo." Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Keith. "A-anong ginagawa mo dito?" Kunot noo kong tanong. Hindi niya ako sinagot at hinila niya ako papunta sa rooftop

