[KATELEEN'S POV]
Halos mapanganga ako sa dami ng mga papeles na kailangan kong asikasuhin. Intern lang naman ako pero parang daig ko pa ang mga nagtatrabaho rito. Sa dami ng mga papeles na kailangan kong asikasuhin ay matatapos ko ito within three days. Pero kailangan na agad matapos ito bukas.
Kaya mo 'to Kateleen. Fighting!
Habang inaasikaso ko ang mga papeles ay narinig ko namang nag-uusap ang mga empleyado kasama si Veronica.
"Madam, ang ganda naman ng kwintas na binigay sa 'yo ni Sir James. Halatang mamahalin." manghang sabi ng babaeng empleyado kay Veronica.
"Bagay ba sa 'kin?" tanong ni Veronica habang pinapasikat ang suot niyang kwintas na galing sa asawa ko.
"Yes, Mrs. Charles. Bagay na bagay sa 'yo." sagot ng lalaking empleyado.
Akin ang kwintas na 'yan. Gusto kong magprotesta pero baka mapahiya lang ako at madagdagan pa lalo ang trabaho ko. Kailangan ko pa ring itago ang identity ko kahit na nasa hindi magandang sitwasyon ako ngayon.
Habang ako ay nagtatrabaho, ang mga empleyado naman ay walang ginagawa at kausap lang si Veronica.
"Galing 'yan sa recent auction sa China, Mrs. Charles. 500 million pesos ang bili niyan ni Mr. Charles para sa 'yo. Gano'n ka niya kamahal." sabi ng assistant ni James na ikananganga ko.
Seryoso? 500 million pesos? Gumastos talaga si James ng napakalaking halaga para sa kwintas na 'yan.
Kita ko naman ang ngiting tagumpay ni Veronica. Parang nanalo siya ng lotto. "Of course, gano'n talaga ako kamahal ni James. Dahil diyan, treat ko kayo sa isang mamahaling restaurant nearby."
Kita ko naman ang pagkatuwa ng mga empleyado. As if namang may pera siyang panlibre.
"Sakto Mrs. Charles dahil pinabibigay din niya sa 'yo ang card na 'to. Pwede ka raw gumastos nang gumastos hangga't gusto mo." sabi ng assistant ni James sabay bigay kay Veronica ang black credit card.
Hindi... Pati ang black credit card ko ay na kay Veronica na rin. Pero pwede ko namang ipatigil ang card na 'yon.
"Kate, do you want to join us?" tanong sa 'kin ni Veronica.
Pekeng ngumiti naman ako. "Ang bait mo naman Madam Veronica. Why not."
Sumama ako hindi dahil sa gusto ko. Sumama ako dahil gusto kong makitang mapahiya mamaya si Veronica.
"Sigurado ka bang isasama natin ang babaeng 'yan, Madam?" tanong ni Mikay na tila hindi sang-ayon na kasama ako.
"Okay lang Mikay. Kawawa naman siya mag-isa rito." sagot ni Veronica at lumapit ito sa akin. "Itigil mo muna 'yang ginagawa mo at sumama ka sa amin." plastik na ngiti nito sa akin.
Pagkaalis nila ay tinawag ko ang bangko para ipatigil ang card na hawak ni Veronica. Tignan na lang natin kung paano mo babayaran ang mga kakainin namin.
Nang makarating kami sa restaurant na tinutukoy ni Veronica ay umorder na kami. Lahat ng nasa menu ay inorder ko.
"Ang kapal naman ng mukha mo Kate para umorder nang maraming pagkain. Inaabuso mo ang kabutihan ni Madam." inis na sabi sa 'kin ni Mikay.
"Hindi ba't ang sabi ni MADAM ay umorder tayo ng kung anong gusto natin?" tugon ko kay Mikay at diniinan ko pa ang salitang MADAM at pati na rin ang MRS. CHARLES kay Veronica. "Hindi ba't MRS. CHARLES?"
"O-of course. Umorder kayo nang marami kung gusto niyo." napilitang sabi ni Veronica na ikinatuwa ng mga kasama namin.
"Ayos! Da best ka po Mrs. Charles." sabi ng lalaking empleyado.
Nang maka-order na kami ay nagsikainan na kaming lahat.
"Ang sarap naman ng steak dito, Ma'am. Ngayon lang ako nakakain nang ganitong pagkain." sabi ng babaeng empleyado na may limang steaks na magkakapatong sa kanyang plato.
"Pati rin itong wine Ma'am ang sarap din. Halatang mamahalin." sabi ng lalaking empleyado na may hawak na isang bote ng wine.
"Of course, I always eat here kaya alam kong masasarap ang mga pagkain dito." nagmamayabang na sabi ni Veronica.
Tignan na lang natin kung magmayabang ka pa mamaya kapag nalaman mong wala kang pambayad.
"Here's the bill, Ma'am. We accept cash, cheque, card and online money as methods of payments." sabi ng lalaking waiter sabay abot ng papel.
Pagkatingin ni Veronica sa bill ay nagulat siya. "750 million pesos? Seryoso ba kayo?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Yes, Ma'am." tugon ng lalaking waiter.
"Okay lang po ba kayo Mrs. Charles." tanong ng assistant ni James sa kanya.
"O-of course. I'm okay. Here's the card." inabot ni Veronica ang black card sa waiter.
Sinimulang i-swipe ng waiter ang card. "Ah Ma'am. Wala pong laman ang card niyo."
"Imposible. Kakabigay lang sa 'kin 'yan ng asawa ko. Paanong walang laman 'yan?" inis na sabi ni Veronica.
"Pasensiya na po Ma'am. Susubukan ko po ulit." sabi ng lalaking waiter at sinwipe ulit ang card. "Wala po talagang laman, Ma'am."
Natigilan si Veronica dahil do'n. Hindi alam kung ano ang gagawin.
"Tawagan niyo po kaya si Mr. Charles, Madam." suggestion ni Mikay.
"Hindi pwede. Busy siya ngayon." tugon ni Veronica.
Busy nga ba o sadyang wala siyang number ng asawa ko.
"Ako na bahala Mrs. Charles." sabi ng assistant ni James kay Veronica at may tinawagan ito.
"Ano? Okay na ba Ryan?" tanong ni Veronica sa assistant ni James.
"Ang sabi ng bangko, pinatigil niyo po raw ang card na 'to." sabi ng assistant ni James kay Veronica.
"Ha? Pinatigil ko ang card? Wala akong tinawagan at alam mo 'yon dahil magkasama tayong pumunta rito." tugon ni Veronica.
Nakita kong nagdududa na ang assistant ni James. "Pwede bang next time na lang ang bayad?" sabi nito sa lalaking waiter.
"Hindi po pwede. Matatanggal po ako sa trabaho." tugon ng lalaking waiter.
"Madam, tawagan mo na ang asawa mo para ma-solve na ang problem natin." sabi ni Mikay kay Veronica.
"Busy nga siya. May importante siyang meeting na hindi ko pwedeng guluhin." tugon niya kay Mikay.
"Pero pano na po 'to? May ibang paraan ka po ba para magbayad, Madam?" tanong ni Mikay.
"K-kayo ang magbayad sa kinain niyo. Tutal kayo naman ang maraming nakain dito." sagot ni Veronica na ikinagulat ng lahat.
"Ma'am, wala po akong pera. Ni-isang libo wala ako, 750 million pa kaya." sabi ng babaeng empleyado.
"Ikaw po ba talaga si Mrs. Charles? Bakit hindi niyo po mabayaran ang kinain natin?" tanong ng lalaking empleyado.
"Anong klaseng tanong 'yan? Of course I'm Mrs. Charles. Nagkaproblema lang ang card ko." sagot ni Veronica sa lalaking empleyado.
"Kapag hindi po kayo magbayad ay tatawag po ako ng security para ipadala kayo sa police station." pagbabanta ng lalaking waiter.
Nakita kong nagtarantahan na ang lahat maliban lang sa akin. Kakaiba naman ang tingin sa akin ng assistant ni James pero hindi ko 'yon pinansin.
"Madam, ayoko pong makulong. Gawan niyo po 'to ng paraan. Wala po kaming pambayad. Hindi po kami mayaman katulad niyo." pagmamakaawa ni Mikay kay Veronica.
"Oo nga po, Ma'am. Baka po mag-alala sa akin ang asawa ko at ang tatlo kong anak kapag makulong ako." sabi ng lalaking empleyado.
Hindi ko mapigilang maawa sa mga empleyado. Alam kong deserved nila ang nangyari dahil sa pagkampi nila kay Veronica. Pero may pamilya silang binubuhay at mag-aalala para sa kanila. Nauto lang naman sila ni Veronica kaya okay lang na palampasin ko muna.
"What if 'yang kwintas na 'yan ang gawin mong pambayad. Narinig kong 500 million pesos ang halaga niyan." suggestion ko kay Veronica.
"H-hindi pwede. Bigay 'to sa akin ng asawa ko." tugon ni Veronica.
"Wala kang magagawa since wala ka namang pambayad." sabi ko sa kanya sabay tingin sa lalaking waiter. "Okay lang ba na ang kwintas na 'yan ang pambayad."
"Pwede po Ma'am pero kulang pa rin po ang bayad niya." sagot ng lalaking waiter .
"Pwedeng bigyan mo naman kami ng discount? 750 million was too much." tanong ko ulit.
"Hindi po pwede Ma'am. Pero since 250 million na lang ang kulang. Bibigyan ko po siya ng isang buwan para makapagbayad. Kapag hindi po siya makapagbayad ay idedemanda po namin siya." sagot ng lalaking waiter.
Tumingin ako kay Veronica. "Mrs. Charles, narinig niyo po 'yon. Ibigay niyo na po ang kwintas para makalabas na tayo rito."
"Ma'am, ibigay niyo na po ang kwintas. Siguradong makukuha niyo po ulit 'yan kapag may pambayad ka na." pangkukumbinsi ng lalaking empleyado kay Veronica.
"Hmph!" ang tanging naging reaksyon niya. Walang nagawa si Veronica kundi ibigay ang kwintas sa waiter at saka nag-walkout ito.
[VERONICA'S POV]
Hindi ako makapaniwalang mapapahiya ako nang ganito. Pakiramdam ko ay may kinalaman dito ang totoong Mrs. Charles.
Imposible. Kung nandito talaga ang totoong Mrs. Charles ay makikilala siya ng mga empleyado lalo na si Ryan dahil assistant ito.
Pero sino nga ba si Mrs. Charles? Bakit hindi siya nagpaparamdam sa kumpanya? Akala ko ba ay magtatrabaho siya ngayon?
'Di bale. Mas magandang wala siya sa kumpanya para ako ang reyna rito. Hindi pwedeng malaman ng mga taong nagtatrabaho rito na peke ako.
As for Kate naman, humanda siya sa akin. As long as kilala ako bilang Mrs. Charles ng ibang tao ay papahirapan ko siya hangga't gusto ko. Simula noong maging classmates kami sa elementary ay lagi niyang inaagaw ang dapat akin. Mataas na grades, maraming kaibigan, laging nananalo sa mga pa-contest, kumpletong pamilya, higit sa lahat ay ang crush ko noong high school ay may gusto sa kanya.
Ang lahat ng inagaw niya sa akin ay kukunin ko ng doble sa kanya.