di ko namalayan nakaidlip pala ako nagising lang ako sa mga halik sa aking mukha,
hon gising na akala ko ba gusto mong magswimming
nakaidlip pala ako anong oras na ba,
oras na para bumangon ka diyan para makapag swimming na tayo magpalit ka na muna ng pang swimming mo,
pero wala akong dala
wag kang mag alala nagpabili na ako ng isusuot mo andun na sa banyo kaya magpalit ka na
sige po hintayin mo ako eh ikaw hindi ka ba mag papalit
ready na ako dont worry magtatanggal lang ako ng damit ok na,
ok po nagderetso na ako sa banyo para magpalit, 1 piece ang suot ko pinatungan ko muna ng robe saka ako lumabas ng banyo ayoko naman maglakad na naka 1 piece lang at baka kung ano pa isipin ng mga kasambahay.
lets go.
bumaba na kami at nag tungo sa pool area nagpahanda na din siya ng miryenda sa mga kasambahay, pag dating nga namin sa pool nagtanggal na ako ng aking robe saka nagpunta na ako agad sa pool hon lets go samahan mo ako dito,
mamaya na ako mag enjoy ka lang diyan samahan kita maya maya,
nag langoy langoy muna ako habang wala pa si tyron at ayaw pa niyang magbabad, baka maya maya pa siya maliligo, di nagtagal sinamahan na din niya ako sa pag ligo, nagdala na din ng lunch ang katulong nila sa pool area dun na din kami kumain, after namin kumain nagkwentuhan muna kami ng kung ano ano lang tapos ng swimming na uli kami, this time nagbabad lang kami paminsan minsan naglalangoy,
hapon na din ng umahon kami sa kwarto na niya kami nagbanlaw, after nagdinner na din kami at nanood ng movie sa kwarto ni tyron pero hindi ko na natapos ang movie at nakatulog ako agad gawa siguro ng napavod ang katawan ko sa kakalangoy at sa pag bababad sa tubig,
umaaga na ng nagising ako, tulog pa sa tabi ko si tyron babangon na sana ako para magkape sa baba kaso nagising ko si tyron ng tanggalin ko ang kanyang mga kamay sa pag kakaakap sa akin.
hon maaga pa mamaya na tayo bumangon matulog pa tayo please.
matulog ka pa ako baba na para magkape,
pero gusto pa kita katabi at kayakap kaya mamaya ka na bumangon please pag umuwi ka na di ko na magagawa to,
ok po sige ina matulog ka na po uli dito lang ako sa tabi mo, mamaya na ako bababa sabay na tayo , sabay kiss sa kanyang noo
kaya ginawa ko nag cellphone nalang ako at hindi na din naman ako makatulog, hindi din kasi ako sanay na gumising ng late kahit walang pasok, isang oras din siguro akong nag cellphone bago nagising si tyron,
good morning hon, ang sarap naman gumising talaga pag ikaw ang nabubungaran ko, dito ka na kaya tumira,
good morning too, ayan ka na naman yaan mo malapit na tayong mag graduate isang taon nalang, pwde na tayong mag hanap ng work at makapag ipon para sa bahay natin
after graduation magpakasal na tayo to follow nalang ang bahay, or pwede tayong kumuha ng hulungan kung ayaw mo talagang tanggapin ang galing sa parents ko,
hindi naman sa ganun nakakahiya sympre gusto ko din tayo ang magpundar ng magiging bahay natin, yung matatawag mong sa atin,
ok po ikaw ang masusunod, pero gusto mo mangupahan muna tayo or sa bahay muna tayo tumira or sa inyo habang nag iipon muna tayo.
depende kung saan tayo makakahanap ng work,
dun tayo sa makakaipon tayo,
ok po malapit na ang pasukan magiging busy na tayo pareho, baka mawalan ka na ng time sa akin.
ikaw din naman magigung busy ka na, nasa pag uusap naman ntin basta pag may time magkikita at magkakasama tayo.
kaya dapat sulitin na nayin ang time natin sa makalawa uuwi ka na din,
bakit parang ayaw mo akong pauwiin
mamimiss kita, eh kung sa inyo kaya muna ako tumira kahit ilang araw bago ang magpasukan
payagan kaya ako nila papa,
try mong magpaalam sa kanila pag hinatid mo ako, pero magsabi ka din muna kila mommy mo, kung papayagan ka,
papayagan nila ako at lagi naman silang wala dito sa bahay kita mo today wala sila baka nga bukas na umuwi yun or sobrang late na.
mas ok pa din na magsabi ka sa kanila kahit madalas na wala sila mas maganda yung aware pa din sila sa nangyayari sayo, balang araw magiging magulang din tayo.
ok po mag sabi ako mamaya sa kanila pag dumating sila o tawagan ko nalang sila bago kita ihatid para alam na nila, mag dala na din ako ng extra damit para kung pumayag sila mama mo hindi na ako uuwi,
ikaw talaga ayaw mo na lng na malayo sa akin,
sympre sulitin na natin ang bakasyon pag nagpasukasan na madalang na tyo magkikita at magiging busy na tayo pareho, mag thesis na tayo meron pa tyong mga practical, kaya asahan ko na mawawalan tayo ng time,
pag nakatapos naman na tayo madami na tayong time,
mag rereview pa tayo at mag eexam.
eh magkasama naman tayo sa bahay pag nagreview tayo, kaya may time pa din naman tayo kahit papaano,
importante ang quality time baka ipag palit mo ako sa iba pag nawalan ako ng time sayo,
hindi naman mangyayari na ipagpapalit kita sa iba dahil lang wala kang time, pwera nalang kung mag loloko ka, dun baka sakali na iwan kita.
yun naman ang hindi mangyayari ang mambabae ako takot ko lang na magalit ka sa akin saka alam mo naman na mahal na mahal at hindi ko kayang tumingin sa iba kahit pa maghubad sila sa harap ko.
alam ko naman yun, alam ko naman na mahal na mahal mo ako at ganun din naman ako sayo, saka malaki ang tiwala ko saiyo kaya wag mong sisirain.
oo naman hindi ko kayang sirain ang tiwala mo at ng parents mo, dahil alam kong pag yun ang nasira ko mahihirapan akong ibalik, kaya hindi ko kayang sirain yun kaya please pag may hindi tayo pag kakaunawaan pag usapan ntin agad ok.
oo naman communication is the key.