Snob Uncle Marami ang dumadalaw sa akin noong nasa hospital pa ako. Bumisita rin ang mga pinsan kong Fortalejo, pati sina Tito Vlad, Tito Vince at Tito Vincent. May kanya kanya silang dala para sa akin kaya ang raming nakatambak na kung anu-ano sa loob ng kwarto. "Ang gwapo noong supladong bodyguard mo ah," ani Cassey, pasulyap sulyap sa may pinto. "He's so cold... He reminds me of..." Tiningnan ni Ate Chey si Cassey ng makahulugan. Inangatan niya lamang ito ng kilay at nagtungo sa may table para ayusin ang mga fruits. Tumawa si Ate Chey. Si Naia naman ay nagbabalat ng apple para sa akin, tahimik lamang katulad ng aking nakasanayan sa kanya. Ibinalik muli ni Ate Chey ang buong atensyon sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay. "Your Grand Uncle is an expert doctor. Hindi

