Devil Napagdesisyunan kong pumunta nalang sa bayan sa Linggong iyon para bumili ng Vitamins para sa ina ni Potpot. Anzai is coming with us, lalo na't mamimili raw iyon ng mga damit. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng sleeveless vneck croptop na kulay beige plus highwaist jeans, showing a bit of my tummy. Sa aking sling bag ay isinilid ko ang importanteng mga gamit na naroon lamang sa bed side. Polbo... Alcohol... Wipes... Wallet... Bago pa mapagtanto na may nawawala roon ay natigilan na ako. There's something missing. Alam ko... Dito ko lang iyon nilagay sa bedside table ah? Katabi ng mga gamit ko? Nasaan na iyon? Mabilis na akong tumayo at hinanap sa bedsheet ang nawawalang bigay na sulat ni Tobias. Hindi ko pa iyon nababasa dahil sa raming bumabagabag sa isipan ko, palagi ko n

