Worth It Medyo naging busy na ulit ako sa Center lalo na't huling examination na ng mga bata bago pumasok ang Summer. Kasama ko si Tobias sa paggawa ng Questioner, si Anzai naman ay nag-ooffer na tumulong pero hindi ko na pinapasali lalo na't wala rin naman siyang maitutulong. He's already close with the kids. Dinadamay niya ang mga bata sa pagpapaamo sa akin lalo na't hindi parin sila tumitigil sa pamimigay ng mga bulaklak pagkatapos ng klase. Kung may napapansin man ako bukod sa pamemeste ni Anzai, iyon ang ang matabang na pakikitungo sa akin ni Tobias. Something's off with him. Parang... Parang galit siya o nagtatampo. Nalulungkot ako sa bagay na iyon dahil kahit magkasama kami minsan, parang ang layo layo niya na. Bumuntong ako ng hininga at nagpasyang umalis na sa bathtub sa gabi

