Introduce "Dapat hindi muna masyadong igalaw ng pasyente ang kanyang braso at ipahinga muna ang kanyang sugat," sabi ng doktor kinabukasan nang bumalik kami para ipatahing muli ang bumukhang sugat ni Haze. I feel so guilty. Dapat hindi nalang ako nagpadala sa lalakeng ito. Pero mukhang hindi lang si Anzai ang kailangan ng Doktor kundi ako rin lalo na't ang sakit sakit ng buo kong katawan. Ngumuso siya nang tingnan niya ako ng makahulugan. Tahimik akong tumingin pabalik at ayaw nalang na magsalita. Namumula ang mukha ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi. Lumabas muna ako para matawagan narin si Mommy at masabi ang aking balak na pag-uwi. Ayoko naring patagalin pa ang lahat ng ito dahil alam kong nasasaktan na ng husto si Tobias. "Mommy..." salubong ko agad sa kabilang linya.

