Good At Breaking Things Si Tobias ang palaging tumutulong sa akin sa paggawa ng mga makulay na visual aids sa pagtuturo ko sa Center. His good at drawing! Iyon rin ang kinabibiliban ko sa kanya. He knows how to draw well compared to my human stick. Kahit nga ang pagguhit ng aso ay simpleng bilog lamang, na akala mo ay baboy at ang naiiba ay ang matutulis nitong tainga. Tuwing gabi, iyon ang aking pinagkakaabalahan. Namimili kami ng mga coloring materials, mga flash cards, prizes, drawing books at kung anu-ano pa. It's satisfying. Lalo na pag nakikita ko ang reaksyon ng mga bata, ang gaan gaan sa pakiramdam na magturo. "Isang linggo ka palang na nagtuturo pero ganadong ganado na silang lahat sa'yo," ani Mother Jovy nang mapadaan sa aming maliit na classroom. Si Tobias ang nasa loob la

