Equal I got contented with my decisions that night. Pagkatapos ng aking mga kondisyon ay hindi ko na narinig ang kanyang mga pinagsasabi. But it's satisfying... Pwede ko naman siyang parusahan ng husto. Pwede kong iparamdam ko sa kanya ang galit ko. Pero napagtanto ko rin na wala talaga akong mapapala roon. It will only put me into guilt. Magiging masaya naman ba ako? Hindi. So I'd rather give a fair decision. And he's kinda... sincere? This time I'm going to see him making an effort. Wala naman sigurong lalake ang magkakandarapang gumapang sa'yo pabalik dahil lang sa mababaw na rason hindi ba? Nagising ako sa katok sa aking kwarto. Humikab ako at unti-unting hinila ang sarili patayo. Hindi ako agad nakatulog kagabi at medyo inaantok pa ako. Kumatok iyong muli. Bumalikwas na ako ng kam

