"Lucinda, bagay na bagay rin naman sila ng anak mo. I think may malaking benefit sa Shipping Lines niyo ang koneksyon ng mga Delafuente. Si Rico at Dwight pa lang..." anang babaeng naka bun ang buhok at tila concern sa akin. Umiling lamang ang ina ni Anzai at mabilis na nahaluan ng disgusto ang mukha. "My son is so stupid to choose someone who's very low compared to Sienna's elegance. I mean... yes, she came from a well-known clan pero iyon lang naman ang meron siya, ang pangalan ng kanyang angkan. But overall, kung hindi siya isang Delafuente, she's going to be a useless girl for my son. Eh itong si Sienna? Full package na at hindi pa bastos. She's very classy and very well-mannered." Sabay tingin sa akin ng pasimple. Nagkatinginan ang apat na babae habang ako naman ay natulala sa aki

