Galit Na Galit Inangatan na ako ng kilay ni Kuya dahil sa pagkakatigil ko. Para akong naging bato, nakatunganga at naghahanap ng alibi. "Uh... N-Nagpaalam ako kagabi kay Daddy at—" "I am asking about the owner of the Mustang, Elliana Brielle," seryoso na ang boses niya, lalo na't buong pangalan ko na ang kanyang binanggit. Pinaglaruan ko ang aking mga kamay. "Uh, the Mustang Company, Kuya?" Ngumiti ako ng pilit. Sa aking sagot ay mas lalo lamang siyang nagduda. Nailing siya sa akin, dismayado. "May boyfriend kana pala ha..." "Wala ah!" giit ko at tumaas na ang boses. "Alam mo bang ang mga sinungaling ay nakakarma? Bahala ka maghihiwalay kayo niyan," aniya, nananakot na. Sumimangot ako. "Eh ba't kami magb-break eh hindi niya naman ako girlfriend," pagmamayabang ko nang wala sa

