"Hmm," mahinang ungol ng dalaga. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at kaaagad na tinakpan dahil sa silaw ng liwanag. Nag-adjust pa siya saglit bago nasanay. Kaagad na nilapitan siya ng kaniyang mga kasamahan. "Daria, how are you feeling?" Nag-aalalang tanong ni Caddilac sa kaniya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili at inalala ang nangyari sa kaniya kanina. "I'm fine, anong nangyari? Bakit nandito tayo sa clinic ng head quarter?" Nagtatakang tanong niya. Nagkatingin ang lima at kunot ang noong tiningnan siya. "Bakit?" Nakangiting tanong niya. "Matapos mong bugbugin ang limang lalaki kanina nawalan ka ng malay tao," sagot ni Fanshai. Kaagad na kumunot ang noo niya. Hinawakan ni Caddi ang kamay niya. Ilang saglit lang ay pumasok si Carmela Ortiz ang Doctor ng agency

