Kasalukuyang nanggo-grocery si Dadaria. Tulak-tulak ang push cart papunta sa diapers section. Habang namimili siya ay nahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na lalaki. Kaagad na lumakas ang t***k ng puso niya sa kaba. Nanatiling nakatingin lamang siya rito. Ilang saglit lang ay nagulat din ito nang makita siya. Casual na lumapit ito sa kaniya. Napalunok pa siya nang huminto ito sa harap niya. "Hi," bati nito sa kaniya. Inayos niya ang buhok niya at bumati pabalik. "H-hi," mahinang ani niya. "A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Dadaria. "Ahm," ani ng binata at nagpalingon-lingon. Ilang saglit lang ay ngumiti ito sa likod niya. Lumingon siya at nakita niya iyong babaeng maganda. Mapapansin na ang umbok nito sa tiyan niya. "Babe," tawag ng binata rito. Pakiramdam ng dalaga ay

