Parehang nakatunganga si Caddi at Dadaria sa kwento ni Fek Pek. Dahil pangsa talahib kaya naging agent silang dalawa. "Bella!" Tawag ng binata. Kaagad na napalingon ang dalaga sa likod niya. Nandoon si Xenon nakatayo at nakatingin lang sa kaniya. "Ayan na ang asawa mo, ang gwapo-gwapo maligo ka nang maaga at ng makarami," nakangising ani ni Fek Pek. Kaagad namang nag-init ang mukha ng dalaga. "Oo nga naman pinsan sa tingin pa lang mukhang mapapalaban ka ah," komento pa ni Caddilac. Napailing na lamang siya at nilapitan ang asawa niya. Nanatiling nakatayo lamang siya sa harap ni Xenon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "I am here," mahinang ani ng binata. Ngumiti pabalik ang dalaga at mabilis na niyakap nang mahigpit ang binata. "And you will always be," nakangitin

