Mabilis lumipas ang panahon. Dadaria graduated with a degree. Ganoon din naman ang binata. Huli na nilang pagkikikita iyong sa park at kasalukuyang na sa ibang bansa ang dalaga kasama ang Kuya niya na siyang namamahala sa negosyo ng pamilya nila. Aligaga siya sa araw na 'to at kasalukuyang nakatutok ang mga mata sa computer. Kumunot ang noo niya nang makitang nag-va-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya ito at itinuon ang camera sa mukha niya. Kaagad na nag-flash ang mukha ni Caddi katabi nito ang fiancè niyang si Maverick. "Yes?" Kunot ang noong tanong niya rito. "Ano ka ba naman l, Daria aga-aga napaka-hot mo. Kailan ang uwi mo rito? Ikakasal na kami ni Maverick hindi pwedeng wala ka. Talagang makukurot kita," banta ni Caddilac sa kaniya. Sa Saturday ang flight niya pabalik ng Pili

