Kinukutkot ng dalaga ang kuko niya habang nakayuko. Katabi niya si Xenon na nakaupo lang. Seryosong nakatingin ang mga magulang nila kasama sina Marija at Marco. Nakapagbihis na rin siya ng damit ni Marija. Ang lakas ng kaba ng kaniyang dibdib. "Ano ang plano ninyo ngayon?" Striktong tanong ng Ama niya. "Oo nga, hanap kami nang hanap sa inyo kagabi tapos matatagpuan namin kayong magkatabi at walang mga damit?" Taas ang kilay na tanong ni Victoria. Nakagat ng dalaga ang labi niya at hindi kayang salubungin ang mga tingin nila. "H-hindi po namin iyon sinasadya," ani ng dalaga. "Anong hindi sinasadya, Dadaria?" Kunot ang noong tanong ng Ina niya. Tiningnan niya si Xenon na ngayon ay kalma lang habang nakatingin sa mga magulang nila. Siniko niya ito at kinunotan lamang siya ng noo. "

