Nakasakay ang dalaga sa kotse niya. Hindi niya tuloy alam kung bababa ba siya o huwag na. Nandito na siya sa Café para makipag-usap nang mansinsinan sa binata. Ipinark niya ang kotse niya at huminga nang malalim bago lumabas. Kinuha niya ang kaniyang maliit na bag at isinara ang pinto ng sasakyan. Maglalakad na sana siya nang makita ang pamilyar na babaeng kabababa lang ng sasakyan nito. Napakunot ang noo niya nang ngisihan siya nito. Rather than wasting her time with her naglakad na siya nang deritso. Neglecting her presence. "Wait," ani nito. Napatigil sa paglalakad ang dalaga at hinintay na makarating ito sa kinaroroonan niya. "Hey, ikaw nga. Akala ko namamalik mata lang ako," nakangiting ani nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "You need anything?" Tanong niya rito. Ngumisi ito at

