Umuwi ang binata sa bahay nila. Naririndi na naman siya sa boses ng Mommy niyang wala yatang balak pagpahingahin ang tenga niya. Bandang alas-ocho ng gabi ay dumating na siya sa bahay nila. May gauge ang kamay niya. Kumikirot pa rin pero bearable naman ang sakit. Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe at pumasok na sa loob. Nagulat pa siya nang makita ang dalaga sa sala nila. Nakaupo ito sa couch at halatang hinihintay siya. Nilapitan niya ito at umupo sa kaharap na upoan. "You are still awake," Xenon stated. "Hinintay talaga kita," seryosong ani ng dalaga. Nanatiling nakaupo lamang ang binata. "Why?" Simpleng tanong niya. Huminga ito nang malalim at biglang tumalim ang tingin nito sa kaniya. "Did you tell Mommy what happened here? Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin?" Sambi

